Lyrics
'Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang
Tuwang - tuwa sa'yo oh
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo

'Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y
Para sa'yo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
'Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan ang iyong inang lumuluha
At nag tanong anak ba't ka nagkagayan
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali

Ika'y nagkamali

Ika'y nagkamali wooh

Ika'y nagkamali

Copyright: Sony/ATV Music Publishing LLC, Universal Music Publishing Group
Writer(s): Freddy Aguilar




Videos
Close
Anak - Gary Valenciano
Anak - Gary Valenciano (Lyrics)
Gary Valenciano - Anak (Audio) | With Love
Gary Valenciano - Anak (Audio) | With Love
Anak - Gary Valenciano (4 languages)
Gary Valenciano - Anak (Audio) | Anak OST
This BLEW my MIND! | Waleska & Efra react to Gary Valenciano Anak - (4 languages) LIVE
Download SoundHound
The only App that can give you results through singing and humming search!
You can sing any song from this artist to help SoundHound users find it!